Idinepensa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang kanyang ginawang kumpirmasyon sa pagkakaroon ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa lungsod.
Ayon kay belmonte, tinawagan siya ni Agriculture Secretary William Dar matapos niyang i-anunsyo noong sabado na nakapagtala na ng ASF case sa Quezon City.
Sinabihan aniya siya ni Dar na dapat nagmumula sa kagawaran ang announcement o kumpirmasyon dahil kinakailangan pa itong dumaan sa confirmatory tests.
Gayunman iginiit ni Belmonte na moral responsibility niya bilang alkalde na ipaalam sa kanyang mga nasasakupan ang mga usapin na makakaapekto sa kanilang pamumuhay.
Magugunitang, umaabot sa mahigit 900 mga alagang baboy ang isinailalim sa culling sa barangay Bagong Silangan sa Quezon City.