Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat (4) na Nigerian matapos mabisto ang mga ito na umano’y bumili ng bank account na ginagamit sa modus gaya ng pamemeke ng mga ATM at credit card.
Ayon kay Jeremy Lotoc ng NBI Cybercrime division, kinokopya nila ang bank account ng kanilang mabibiktima at gagamitin ito bilang online consumption.
Narekober sa mga suspek ang isang maleta na may lamang safe na puno ng mga pekeng US dollars, mga gamit panggawa ng mga debit at credit card, mga security strip at sticker.
Nahaharap sa kasong Estafa, Illegal use of access device, at Counterfeit bank notes ang apat (4) na suspek.