Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga taga-Soccsksargen dahil sa masamang epekto sa kalusugan ng Haze na galing sa forest fire sa Indonesia.
Ito’y matapos makumpirmang umabot sa Southern Philippines at nakakaapekto na sa buong rehiyon makaraang mapansin ng mga residente sa Gensan.
Ayon kay Engr. Alex Jimenez, Regional Director ng Environment Management Bureau (EMB)-Soccskargen, unang napansin ang isang tila fog na nakabalot sa papawirin.
Ngunit aniya nakakasama sa kalusugan ang naturang smog o haze na galing nga sa naturang forest fire sa sumatra at kalimantan sa Indonesia.
Batay sa Air quality monitoring ng EMB-Soccskargen maituturing pa na nasa normal level ang kondisyon ng hangin sa rehiyon sa kabila ng presensya ng haze mula sa Indonesia ngunit mas maganda kung magiingat na rin ang publiko.
Nabatid na nakarating sa bansa ang haze dahil hinahatak ito ng hanging habagat.