Pumirma ng kontrata sa phoenix ang mga free agent na sina RR Garcia at Davon Potts.
Inanunsyo ng Phoenix ang pagkuha sa 2 players sa kanilang twitter account.
Si Garcia na naging most valuable player sa UAAP para sa Far Eastern University ay huling naglaro sa TNT.
1 taon nang hindi nakapaglaro ang 20 anyos na guard na ika-6 na over all pick ng global port sa PBA draft nuong 2013.
Habang si Potts ay hindi nag renew ng kontrata nito sa Alaska 2 taon matapos itong mapiling pang 6 sa 2nd round ng rookie draft.
Umaasa ang Phoenix na mapapalakas nina Garcia at Potts ang backcourt ng koponan matapos silang magtapos sa ika-10 pwesto sa nakaraang commissioners cup.