Nagpatupad ng temporary ban sa pagpasok ng mga buhay na alagang baboy, karne at produktong gawa sa karne ng baboy ang pamahalaang panlalawigan ng Aurora.
Ito ay sa gitna na rin ng idineklarang ASF o African Swine Fever outbreak ng Department of Agriculture sa ilang barangay sa San Mateo, Antipolo at Rodriguez, Rizal at Guiguinto, Bulacan.
Batay sa ipinalabas na executive order number 19-0029 ni Aurora Governor Jerry Noveras, kanyang inaatasan ang lahat ng mga alkalde at municipal agriculturist sa lalawigan na magpatupad ng precautionary measures.
Layon aniya nito ang matiyak na ligtas ang lahat ng karneng baboy sa buong lalawigan.
Kasabay nito, naka-heightened alert na rin ang buong Aurora at mahigpit na binabantayan ang lahat ng entry points sa lalawigan.
Mananatiling epektibo ang kautusan hanggang maideklara na ng Bureau of Animal Indsutry na ASF free ang bansa.