Aabot sa P200K ang alok na pabuya ng Marikina City sa sinumang makapag-bibigay ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng nagtatapon ng mga patay na baboy sa Marikina River.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, ito ay upang agad na matukoy ang nasa likod ng pagtatapon ng mga patay na baboy sa ilog.
Aniya, posible kasi itong magdulot ng kontaminasyon sa ilog, lalo na’t pinangangambahang namatay ito dahil sa African Swine Fever (ASF).
Matatandaang, umabot na sa 58 ang kabuuang bilang ng baboy na natagpuang palutang-lutang sa Marikina River.