Nasamsam ng mga otoridad ang P5-M halaga ng hinihinalang shabu sa isang high-end apartment sa Bacoor, Cavite.
Kasabay nito naaresto rin ang isang high-value target na kinilalang sina Mastura Salik alyas Troy at ang kanang kamay nito na isang chinese national na kinilalang si alias tikoy at ilang miyembro ng kaniyang pamilya.
Ayon kay Bacoor Chief of Police Lt. Col. Vic Cabatingan, hindi na gumagamit ngayon ng sasakyan ang mga drug pusher sa halip ay rumerenta na ang mga ito ng mga high-end apartment sa mga subdivision at ginagawang bentahe sa kanilang iligal na gawain ang pagkakaroon ng gwardya sa kanilang lugar.
Dahil dito, hinimok ng Bacoor police ang mga subdivision, condominiums at apartment na magsumite ng updated na listahan ng kanilang mga tenant o residente.