Handa ang Department of Labor and Employment (DOLE) na i-evacuate ang halos 50,000 OFWs sa Saudi Arabia matapos ang pag-atake sa dalawang oil sites doon.
Ito ay ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ay sakaling lumala ang sitwasyon sa Saudi.
Sinabi ni Bello na sa ngayon ay patuloy ang monitoring nila sa posibleng epekto ng mga naturang pag-atake sa kaligtasan ng mga OFW’s doon.
Ito aniya ay bagamat wala naman silang natatanggap na report na mayroong OFW na naapektuhan ng pag-atake at pagtigil ng trabaho.
Ipinabatid ni Bello na nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Foreign Affairs (DFA) sa posibleng evacuation ng mga OFWs.
Kasabay nito nangako ang DOLE na tutulungan ang mga apektadong OFW na makaharap ng bagong trabaho sa ibang bansa.