Pumapalo na sa mahigit 2-M applications ang nai-file sa Comelec dalawang linggo bago matapos ang registration period o sa September 30.
Ito ayon kay Comelec Spokesman James Jimenez ay batay sa data mula sa election and barangay affairs department ng komisyon mula August 1 hanggang September 7.
Sinabi ni Jimenez na mahigit isa’t kalahating milyon ay regular registrants o may edad 18 pataas samantalang halos 500,000 ay eligible voters para sa Sangguniang Kabataan election o may edad 15 hanggang 17.
Ipinabatid pa ni Jimenez na ang Bicol Region ang nagtala ng pinakamataas na voters registration sa halos 300,000 applications.
Ang Bicol Region naman aniya ang may pinakamaraming first time registrants para sa SK elections na nasa halos 56,000.