Malaki ang posibilidad na nagagamit ang online shopping sites at app based delivery services sa pagbebenta ng iligal na droga at drug paraphernalia.
Hinala ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) matapos maaresto ang mga suspek na sina Juan Carlos Reyes Antonio, isang licensed pharmacist at Nilo Manipon Ramirez, Jr. isang registered nurse.
Ang mga suspek ayon kay PDEA Diretor General Aaron Aquino ay nadakip sa magkahiwalay na operasyon sa Pasig City at Quezon City ngayong araw na ito at narekober sa mga ito ang tooters na in-order umano sa online shoppng sites.
Sinabi ni Aquino na kung ang drug paraphernalia ay nabibili sa online shopping sites posibleng nakabibili rin ng illegal drugs online.
Umamin na aniya mismo ang mga naarestong suspek na gumagamit sila ng app based courier services para sa pag-deliver ng iligal na droga.