Inihahanda na ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng mask sa publiko sakaling lumawig pa sa buong bansa ang haze o usok ng forest fires mula sa Indonesia.
Ayon kay Health Spokesperson Undersecretary Eric Domingo kapag nasa hazardous level na ang kalidad ng hanging mino-monitor nila mamahagi na sila ng N95 mask.
Sinabi ni Domingo na delikado sa usok ang mga bata at matatanda lalo na yung mayroong mga sakit sa baga.
Ang usok mula sa Indonesia ay nakaabot na sa Tawi-Tawi, bahagi ng Palawan, Koronadal City at Metro Cebu nitong mga nakalipas na araw.