Pinalaya na ng Senado ang tatlong opisyal ng Bureau of Corrections (BuCor) na una nang idinetain nito matapos magsinungaling sa kasagsagan ng pagdinig hinggil sa GCTA law.
Ito ay ayon kay Senate Committee on justice and human rights Chair Richard Gordon ay dahil naging cooperative naman sina BuCor Records Chief Ramoncito Roque, Legal Chief Atty. Frederick Anthony Santos at Bilibid Hospital Medical Officer Ursicio Cenas.
Una nang nagsampa ng petition for habeas corpus sina Roque, Santos at Cenas sa Court of Appeals bilang pag kuwestyon sa desisyon ng Senado na i-cite sila for contempt. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)