Nakatakdang pagbotohan sa Indonesia ang panukalang bubuwag sa gay at pre-marital sex at magpapalakas sa blasphemy laws ng bansa.
Sa gitna na rin ito ng mga batikos ng human rights groups.
Ang nasabing panukala ay makakaapekto umano sa milyon-milyong katao sa Indonesia kabilang ang heterosexual couples na maaring makulong dahil sa pakikipagtalik ng walang kasal o pakikipagrelasyon.
Pinangangambahan ding parusa ang nasabing panukala sa LGBT community sa nasabing bansa dahil ipinagbabawal dito ang gay marriage.
Ayon kay Andres Harsono, Senior Indonesian Research ng Human Rights Watch ang nasabing draft criminal code ng bansa ay nakakapinsala hindi lamang sa mga kababaihan at sa religious at gender minorities kundi sa lahat ng Indonesia.