Isang indoor marijuana laboratory ang nadiskubre ng mga otoridad sa pagsalakay sa isang apartment sa barangay Batis, San Juan.
Mismong sina San Juan Mayor Francis Zamora at NCRPO Chief Major General Guillermo Eleazar ang nanguna sa operasyon na nag ugat sa sumbong ng isang tenant hinggil sa mga tanim na marijuana sa rooftop ng apartment matapos magduda sa dami ng fertilizers na ini-aakyat sa nilusob na unit.
Walang naabutang occupant subalit tiyak ni Eleazar na kakasuhan ang suspek sa isa umanong Chinese national.
Ilan sa mga tanim na nakita sa apartment ay aabot sa tatlong talampakan (3ft.) ang taas at may mga pakete rin ng mga dahon ng marijuana na nakatakda nang ibenta.