Walang problema kay Pangulong Rodrigo Duterte kung kailangang armasan ang mga sumukong miyembro ng New People’s Army (NPA).
Ito ang inihayag ng pangulo sa kaniyang talumpati matapos ang pagsuko ng mahigit pitong daang NPA sa Capiz.
Ayon sa pangulo, handa siyang bigyan ng armas ang mga ito para magkaroon ng proteksyon kapag sila ay ginigipit o hinaharass ng mga dating kasamahan sa kilusang komunista.
Sinabi pa ng pangulo na kaniyang tungkulin na protektahan ang mga dating rebelde dahil pinili ng mga ito na magbalik loob sa gobyerno.
Do not worry. You are part of the goverment. Magkasama na tayo ngayon. Kung ipitin kayo (NPA na sumuko) ng mga komunista at they really want trouble, I will give you a new firearm. Mas maganda pa dito. Eh yang baril nyo madumi na yan. Sumama na kayo sa gobyerno, edi gobyerno na tayong lahat,” —Pangulong Rodrigo Duterte