Kinuwestyon ng isang senador ang inilalaan ng gobyerno na P200 Milyon para sa mga empleyado at opisyal ng pamahalaan na makakasuhan na may kaugnayan sa kanilang trabaho.
Ayon kay Senator Francis “Chiz” Escudero, ang pondong ito na tinawag na “Legal Defense Fund” o LDF ay bagong item sa proposed 2016 national budget.
Giit ni Escudero, dapat tiyakin ng Department of Budget and Management o DBM na hindi makakakuha ng naturang pondo ang mga nakakasuhan ng katiwalian o kaya’y murder.
By: Jelbert Perdez