Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Nimfa kaninang 2:00 ng madaling araw.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, lumakas ang bagyong Nimfa habang papalabas ng bansa na may lakas ng hanging aabot sa 110 kilometro at bugsong aabot sa 135 kilometro per hour (kph).
Huling namataan ang bagyo sa layong 690 kilometro Hilagang-SIlangan ng extreme Nothern Luzon, kumikilos ito sa bilis na 25 kilometer per hour patungong South Korea.
Samantala, dahil sa hanging Habagat asahan pa din ang kalat-kalat na pag-ulan na posibleng maranasan sa buong Luzon.