Iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang nangyaring pagbagsak ng isang light plane sa Pampanga.
Ayon kay CAAP Spokesperson Eric Apolinio, nakikipag-ugnayan na sila sa mga opisyal ng flying school kung saan nanggaling ang naturang eroplano.
Matatandaang bumagsak pasado alas kwatro ng hapon kahapon ang isang two seater aircraft sa Palayan sa Arayat Pampanga.
Base sa unang impormasyon, galing sa isang flying school sa Magalang, Tarlac ang eroplano isang oras bago ang insidente.