Kumpiyansa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na magtatagumpay ang kanilang operasyon laban sa tinaguriang drug queen sa lungsod ng Maynila.
Ito’y makaraang mabunyag sa pagdinig kamakailan ng Senado na ang nasabing drug queen umano ang siyang bumibili ng mga ilgal na drogang nasasabat ng pulisya sa kanilang mga ikinakasang operasyon.
Ayon kay PDEA Dir/Gen. Aaron Aquino, nagkasundo na sila ni NCRPO Chief P/Mgen. Guillermo Eleazar kung saan target ng isasagawa nilang operasyon ang mga police officials na kasabwat o kasosyo ng tinaguriang drug queen.
Una nang inihayag ni Aquino sa naging pagdinig ng Senado kamakailan na dinadala ng mga ninja-cops sa drug queen ang mga nakukumpiskang iligal na droga upang ibenta ng mas mahal kapag muling ipinakalat sa mga lansangan.