Kasalukuyan nang isinailalim sa quarantine ng Department of Agriculture (DA) ang dalawang barangay sa Quezon City.
Ito’y ayon kay Agriculture Secretary William Dar ay makaraang makumpirmang apektado ng African Swine Fever (ASF) ang mga barangay ng Bagong Silangan at Payatas sa nasabing lungsod.
Magugunitang kinumpirma kamakailan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na nagpositibo sa ASF ang kinuha nilang samples mula sa mga baboy sa mga nasabing barangay.
Muli namang tiniyak ng Malakaniyang na ligtas pa ring kainin ang karne ng baboy dahil wala naman aniyang direktang epekto iyon sa tao basta’t susundin lamang ang tamang proseso.
Ayon kay Presidential Communications Sec. Martin Andanar, mahalagang dumaan sa National Meat Inspection Service (NMIS) ang mga alagang baboy bago katayin upang matiyak na wala itong taglay na sakit na maka-a-apekto sa iba pang alagang baboy.