Umapela ang ACT-CIS partylist sa pambansang pulisya na mahigpit na tutukan ang kaso ng pagpatay kay Cadet 4th class Darwin Dormitorio na sinasabing biktima na naman ng hazing.
Ayon kay House Asst/Majority Leader at ACT-CIS Rep. Niña Taduran, nakalulungkot malaman na patuloy pa rin ang pamamayagpag ng hazing lalong-lalo na sa itinuturing na primier military academy ng Pilipinas.
Umaasa aniya silang mabilis na makukuha ng pamilya Dormitorio ang katarungang kanilang hinahangad at mapanagot sa batas ang lahat ng mga nasa likod ng ginawang hazing sa biktima.
Una nang lumabas sa imbestigasyon ng Police Regional Office Cordillera ang mga indikasyon ng hazing sa katawan ni Dormitorio dahil sa mga tinamong sugat at pasa sa iba’t ibang panig ng katawan nito.