Nasabat ng mga operitiba ng Bureau of Customs o BOC ang nasa 900,000 pisong halaga ng mga smuggled na sigarilyo sa Zamboanga Port.
Habang naaresto din ng mga otoridad ang tatlong suspek na kasalukuyang nasa kustodiya na ng National Bureau of Investigation o NBI.
Ayon sa BOC, ikinasa nila ang operasyon matapos makatanggap ng impormasyon hinggil sa ilang mga indibiduwal na nasasangakot sa smuggling ng mga sigarilyo sa Magay Public Market sa Zamboanga City.
Sa kabuuan, umabot sa 30 kahon ng sigarilyo ang narekober ng BOC mula sa dalawang sasakyang nakaparada sa Zamboanga Port.