Iminungkahi ni Sen. Sherwin Gatchalian na bigyan ng sapat na buwanang sahod ang mga opisyal ng barangay sa halip na allowance lang.
Paliwanag ni Gatchalian mas magiging produktibo sa kanilang trabaho ang mga opisyal ng barangay kung tama ang kanilang sinasahod.
Giit ni Gatchalian, ang mga Barangay officials ang nasa ‘frontline service’ kaya’t kung may problema sa kanilang nasasakupan sila ang agad-agad nalalapitan.
Aniya dapat ding gawing umanong regular employee ng gobyerno ang mga punong barangay, barangay kagawad, treasurer at secreary at pagkalooban ng iba pang benepisyo ang mga lupon tagapamayapa at tanod.
Sa panukala ni Gatchalian, ang punong barangay, barangay kagawad at secretary at treasurer ay may salary grades 12, 10, 8 at 8, ayon sa pagkakasunod-sunod.