Pinaboran ng Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI) ang panawagan ng Samahan ng Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na suspendihin ang importasyon ng pork products hanggat hindi naaayos ang tinatawag na “genuine quarantine system” sa customs borders.
Ayon kay PCAFI Pres. Danilo Fausto, sa pamamagitan nito ay matitiyak ang pangagalaga ng hayop mula sa African Swine Fever (ASF).
Maliban dito, masisiguro rin na mababayaran ng tama ang tariffs at duties.
Sa kasalukuyan, ang Bureau of Customs (BuCor) ay walang sapat na kapasidad para ipatupad ang mahigpit na Biosecurity system, na gagarantiya sa mga imported meat product na pumapasok sa bansa ay hindi infected ng ASF.