Pinaiimbestigahan na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa NBI ang isang insidente ng hazing sa Philippine Military Academy noong isang linggo.
Inatasan ni Guevarra ang NBI na magsagawa ng case build up sa nangyaring hazing sa 20 anyos na si PMA Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Ayon kay Guevarra ang NBI na ang bahalang magsampa ng kaso laban sa mapapatunayang responsable sa pagkamatay ni Dormitorio kung mayroong mga ebidensya laban sa mga ito.