Nagpositibo sa African Swine Fever (ASF) ang mga baboy sa isang barangay sa Antipolo City, Rizal.
Gayunman, hindi ito pinangalanan ni Agriculture Sec. William Dar ngunit tiniyak na isinailalim na ito sa quarantine.
Una rito, tinukoy ng Department of Agriculture (DA) ang 16 barangay sa Quezon City na nagpositibo sa ASF.
Naitala naman ang unang kaso ng ASF nuong August 9 matapos magpositibo sa isang test sa United Kingdom ang mga blood sample ng mga namatay na baboy sa Rizal at Bulacan.