Tuloy pa rin ang imbestigasyon sa nagbitiw na PMA Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista.
Ayon ito kay Presidential Spokesman Salvador Panelo lalo’t tinitiyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na walang whitewash sa imbestigasyon sa kaso nang nasawing hazing victim na si Cadet 4th Class Darwin Dormitorio.
Kasabay nito, sinabi ni Panelo na saludo ang Palasyo sa delicadeza ni Evangelista na tama ang ginawang pagbibitiw para mapanatili ang integridad ng PMA na maituturing na premier military institution sa bansa.
Sana aniya ay tulran ng iba pang government official si Evangelista na kusa nang nagbitiw sa puwesto kapag naramdamang mayroong command responsibility.