Isa pang kadete ng Philippine Military Academy o PMA ang isinugod sa V. Luna Hospital sa Quezon City.
Gayunman, tumanggi si AFP Spokesman Marine Brigadier General Edgard Arevalo na ibunyag ang pagkakakilanlan ng nasabing kadete na mayroong senyales ng pagma maltrato.
Iniimbestigahan na aniya ang nasabing insidente.
Magugunitang nasawi sa hazing si PMA Cadet 4th Class Darwin Dormitorio at sinasabing mayroon pang dalawang kadete na na ospital dahil din sa hazing.