Sinunog ng mga otoridad ang nasa 80,000 full grown marijuana plants sa Balamban, Cebu kahapon.
Ayon kay Col. Roderick Mariano, hepe ng Cebu Police Provincial Office , nakatanggap sila ng impormasyon mula sa mga residente sa Sitio Quo, Barangay Gaas ang tungkol sa pagtatanim ng marijuana ng ilang indibidwal.
Tinatayang aabot sa P32-M ang halaga ng naturang sinunog na marijuana.
Wala aniyang naaresto sa lugar ngunit nananatiling at large ang tatlong sinasabing cultivator sa lugar.