Patay ang pito katao sa lumubog na dragon boat sa Sitio Lingganay, Barangay Manoc-Manoc sa Boracay Island, Malay, Aklan.
Ayon sa paunang impormasyon ng Philippine Coast Guard (PCG), lulan ng isang dragon boat ang 21 miyembro ng Boracay Dragon Boat Team kung saan 14 naman ang nakaligtas.
Nangyari ang naturang insidente dakong 9:40 kaninang umaga.
TINGNAN: Sitwasyon sa bahagi ng Boracay matapos ang nangyaring paglubog ng isang dragon boat na ikinasawi ng pito katao | via @ayayupangco1
: Philippine Coast Guard pic.twitter.com/3KqcHBV7yt— DWIZ Newscenter (@dwiz882) September 25, 2019
Patuloy naman ang isinasagawang rescue operation ng mga otoridad. — ulat ni Aya Yupangco (Patrol 5)