Mananatili pa rin ang ipinatutupad na ban ng Central Visayas laban sa buhay na baboy, karne at iba pang pork related products mula sa Luzon.
Kasunod ito ng pagpositibo sa sakit na African Swine Fever (ASF) ng mga baboy mula sa ilang bahagi ng Bulacan at Rizal.
Nagkaroon ng pagpupulong sina Agriculture Secretary William Dar, Cebu Governor Gwendolyn Garcia at Negros Oriental Governor Roel Degamo para talakayin ang hog indutry sa bansa.
Nanindigan ang dalawang opisyal na mananatili ang ban para na rin protektahan ang industriya ng babuyan sa kabisayaan.
Hindi naman nakiisa sa naging pagpupulong si Bohol Governor Arthur Yap dahil wala rin itong balak na tanggalin ang hog at pork meat products bans sa kanyang probinsiya.