Hindi na hihirit ang Department of Transportation (DOTr) ng emergency power para kay Pangulong Rodrigo Duterte para maresolba ang trapiko sa Metro Manila.
Ito ang sinabi ni DOTr Undersecretary for road and transport infrastructure Mark De Leon sa naging technical working group meeting sa pangunguna ng senate public services committee.
Ang desisyon ni DOTr Sec. Arthur Tugade ay alinsunod na rin sa naging pahayag ng Pangulo na hindi niya na niya kinakailangan ng emergency power.
Una nang nagkainitan si DOTr Sec. Arthur Tugade at Senador Grace Poe sa isyu ng emergency powers sa naging pagdinig ng Senado.
Iginiit ni Tugade na kinakailangan ng emergency power para mabilis ang mga infrastructure project at makapaglatag ng polisiya sa trapiko habang si Poe naman ay naniniwala na hindi kailangan ang emergency power kundi magkaroon ng transport master plan.