Tagapagpakalat ng fake news.
Ito ang balik ng Malakaniyang sa pahayag ng International Rights Watchdog na Global Witness na pumalo na sa 113 land defenders at environmentalists ang napapatay sa ilalim ng administrasyon ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo propaganda lamang ang ginagawa ng United Kingdom based group na ang tanging layunin ay ipahiya ang Pangulong Duterte.
Una nang inihayag ng Global Witness na lalong tumapang ang killers dahil sa banta ng Pangulo na patayin ang kaniyang mga kritiko na mahigpit namang itinatanggi ng Malakaniyang.