Pormal nang pumirma ang Department of Agriculture (DA) ng kasunduan sa Agritech Corporation at Go Negosyo para sa pagkakasa ng hybrid rice.
Nakasaad sa kasunduan ang mga tungkulin ng bawat ahensya.
Ang DA ang gagawa ng polisiya, public investment at iba pang support services samantalang magiging katuwang naman ang Agritech Corporation sa production at pag-promote ng hybrid rice sa bansa at sa asya.
Tutulong naman ang Go Negosyo para maipasok sa merkado ng bansa ang hybrid rice at maging sa pagne-negosyo ang mga magsasakang magtatanim ng hybrid rice bukod pa sa pagtuwang sa nakatakdang masaganang ani 300 award sa Malakaniyang.
Ang nasabing aktibidad ay pinasinayaan nina Agriculture Secretary William Dar, Jose Maria Concepcion – founder ng Go Negosyo at Dr. Henry Lim Biong Liong, CEO ng Agritech Corporation.