Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Chinese na masasangkot sa iligal na droga.
Sa talumpati sa pagbubukas ng isang malaking Chinese company sa Parañaque City, sinabi ng pangulo na huwag magkakamali ang mga Chinese na gamitin ang naturang gusali na gawaan ng iligal na droga o maging kanlungan man ng mga undocumented Chinese worker dahil papatayin niya ang mga ito.
Malaki aniya ang naitutulong sa mga Pilipino ng mga negosyong binubuksan sa bansa ng mga dayuhan basta hindi lamang umano gagawa ang mga ito ng labag sa batas.
If you go into drugs, if you are a drug lord, and if I’d catch you importing or manufacturing drugs in this country and you destroy my country in the process, I will kill you. Even if the United Nations is listening, I will kill you,” —President Rodrigo Duterte in the Golden Topper Corporate Launch at the Ocean Palace Restaurant