Nakatakdang palayain ngayong araw ng Bureau of Corrections (BuCor) ang unang batch ng mahigit 300 bilanggong nakumpirmang napalaya pero hindi dahil sa Good Conduct Time Allowance (GCTA).
Ayon kay Department of Justice (DOJ) Undersecretary at Spokesperson Mark Perete, ang binuong panel ng Oversight Committee on Corrections ng DOJ ang nagberipika sa bawat kaso ng mga sumuko.
Gayunman, inamin ni Perete na hindi magiging madali ang pag-rereview sa mga record ng naturang mga surrenderees.