Makararanas ng maulap na kalangitan na may pulo-pulong pag-ulan at pagkidlat ang ilang bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, partikular na makararanas ng naturang panahon ang mga lugar ng Batanes, Isabela, at Cagayan kabilang ang Babuyan group of islands dahil sa northeasterly surface wind flow.
Bahagya hanggang sa maulap na kalangitan naman na may kasamang pulo-pulong pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa bunsod ng localized thunderstorms.
Nagbabala naman ang PAGASA sa posibleng maranasang flash floods at landslides sa mga lugar na posibleng makaranas ng pag-ulan.