Nagbabala ang ilang eksperto sa posibleng paglaganap ng iba pang sakit dahil sa kakaunting bilang ng nagpapabakuna sa bansa.
Ito ay matapos magdeklara ng dengue epidemic ang bansa at ang kumpirmadong pababalik ng sakit na polio.
Anila, sa ngayon ay bumaba ng halos 40% ang mga nagpapabakuna dahil sa dengvaxia scare.
Maliban sa polio, maaaring lumaganap ang mga sakit na bulutong, beke at pertussis.
Sa ngayon ay naglunsad na ang Department of Health (DOH) ng malawakang pagbabakuna matapos ang dalawang kumpirmadong kaso ng polio sa bansa.