Isinulong ni House Deputy Majority Floorleader Bernadette Herrera-Dy ang random check-up sa mga kadete ng Philippine Military Academy (PMA).
Ayon kay Herrera-Dy, mawawala ang pang-aabuso sa anti-hazing act of 2018 kung regular ang pag-check sa pangangatawan ng mga kadete dahil dito malalaman kung pinapahirapan o inaabuso ang mga ito.
Samantala, inirekomenda naman ni Diwa Party List Representative Michael Edgar Aglipay na magmula sa third party ang magsasagawa ng examination sa mga kadete para hindi na maulit ang nangyari kay Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio kung saan hindi naibigay ng mga doktor ng PMA ang tamang findings sa kalagayan nito.