Posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang sama ng panahon na namataan sa labas ng Pilipinas sa susunod na 24-oras.
Ayon sa PAGASA, papangalanan itong ‘Onyok’ kapag nakapasok na sa PAR.
Gayunman, walang nakikitang posibilidad ang PAGASA na maglalandfall ang bagyo sa anumang bahagi ng bansa.
Ang mga nararanasan umanong pag-ulan sa Metro Manila, Cagayan Valley, Cordillera Administrative Region at Aurora ay bunga ng north easterlies at hindi dahil sa bagyo.