Inilatag ng Malacañang ang magiging aktibidad ng Pangulong Rodrigo Duterte sa pangalawang beses nyang pagbisita sa Russia mula October 1 hanggang 5.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Amelita Aquino, magkakaroon ng bilateral meeting ang pangulo at Russian President Vladimir Putin.
Ito na ang ika-apat na pagkakataon na magpupulong sina Putin at Duterte.
Nakatakda ring saksihan ng dalawang lider ang paglagda sa mga bilateral agreements sa kultura, kalusugan at research.
Sinabi ni Aquino na dadalo rin ang pangulo sa Philippine-Russia Business Forum sa Moscow para makahikayat ng mga negosyante na maglagak ng negosyo sa bansa
Inaasahang haharap ang pangulo sa Filipino community sa Russia bago ito magbalik sa Pilipinas.