Inilagay na sa Immigration Watch List ng Department of Justice (DOJ) ang tinaguriang drug queen na si Guia Gomez Castro.
Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang ipinalabas na Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) laban kay Castro ay nag-uutos sa Bureau of Immigration (BI) na i-monitor ang kanyang pagpasok at pag-alis sa Pilipinas.
Una nang kinumpirma ng BI na nasa labas na ng bansa si Castro.
Sinabi naman ni Justice Undersecretary Markk Perete, pinag-aaralan ng prosecution ang pagpapalabas ng hold departure order laban kay Castro dahil sa tatlong warrant of arrest na ipinalabas laban dito.
Una nang tinukoy si Castro bilang bumibili ng mga illegal drugs na kinukuha naman ng mga ninja cops mula sa mga lehitimong operasyon laban sa iligal na droga.