Hinangaan ni Senador Richard Gordon si dating PNP – C-I-D-G o Criminal Investigation and Detection Group Director and Baguio Mayor Benjamin Magalong sa ginawa nitong pagharap sa pagdinig ng Senado.
Aniya, isang credible source si Magalong dahil siya mismo ay nakikita ang mga nangyayari sa loob ng New Bilibid Prisons o NBP.
“I have to commend Magalong for his courage na humarap diyan, minsan nami-miss natin yung point eh, hindi yung magpapasabog yung tao eh, retired na siya, siguro yung kinikimkim niya hindi niya na mapigil diba. Eh hindi naman siya makaangal eh malaking tao yung mga nandyan. Mabuti na ngayon at lalabas at lalabas… ang tawag diyan “the long arm of the law”.
Dagdag pa ng senador, alam niyang may paninidigan si Magalong.
Nakatakdang magharap si Magalong at ang mga pinangalanang ‘ninja cops’ sa pagdinig sa Senado sa Martes.
“Yun ang maganda sa kanya, hindi tumitinag. Talagang nakapako ang paa na maninindigang “he will not let this happen anymore” parang ganun.” Ani Gordon — sa panayam ng IZ Balita Nationwide Sabado (Pang tanghaling edisyon)