Nakumpiska ng mga kawani ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang sako sakong wildlife byproducts sa Puerto Prinsesa, Palawan.
Sumugod ang mga ito kasama ng Palawan Council for Sustainable Development sa isang paupahang bahay kung saan nakita ang mga sako.
Nakapaloob dito ang mga pangolin o balintong scales, sea turtle scutes at mga pinatuyong sea dragon at sea horse.
Inaalam pa kung sino ang nagmamay ari ng mga ito at ang kabuuang bilang ng mga nakumpiksang wildlife byproducts.
Matatandaang nagkaroon ng balita na mahal ang bentahan ng mga ito sa ibang bansa na hinahalo sa pagkain at paggawa ng gamot.