Patay ang isang sundalo habang sugatan ang isang kasamahan nito makaraang makasagupa ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army o NPA sa Barangay Saguid, Sagada, Mountain Province.
Ayon kay Maj. Noriel Tayaban, tagapagsalita ng 5th infantry division, nakilala ang nasawi na si Cpl. Jordan Malnaue habang nilalapatan naman ng lunas sa ospital si PFC. Melvin Modes.
Sinasabing tumugon ang mga sundalo sa reklamo ng mga residente hinggil sa presensya ng mga nasa 40 armadong lalaki sa lugar kaya’t naganap ang engkwentro.
Nagsasagawa ngayon ng hot pursuit operations ang militar laban sa mga nakatakas na rebelde.