Iminungkahi ng Department of Health na bawasan ng 50% ang presyo ng nasa mahigit isang daang life-saving medicines o iyung mga gamot na para sa isang indibidwal na may malalang karamdaman.
Sinabi ni Health Undersecretary Eric Domingo, hinihintay na lamang nila ang executive order na ilalabas ni Pangulong Rodrigo Duterte upang mapababa na ang halaga ng nasa 120 na gamot sa ilalim ng Maximum Drug Retail Prices (MDRP).
Kabilang sa mga gamot na ito ang para sa cancer, hypertension, diabetes, cardiovascular disease, chronic lung diseases, neonatal diseases at major cancers.
Binigyang diin ni Domingo, mula ang nabanggit na listahan sa drug price advisory council at sakaling maisakatuparan aniya, asahan na umano na ang isang gamot na para sa cancer na dating nasa mahigit P4,000 ay bababa na lamang sa halos P2,000.