Ipinagmalaki ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang pagbaba ng bilang ng ‘ninja cops’ sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, mula sa 87 bilang ng mga ‘ninja cops’, tatlong taon na ang nakararaan, nasa 22 na lamang ito ngayon.
Paglilinaw ni Aquino, ang mga ‘ninja cops’ ay hindi lamang mga tiwaling pulis na sangkot sa iligal na droga.
Kasama na rin aniya ang mga pulis na sangkot sa mga iligal na aktibidad katulad ng kidnapping.
Ibinunyag naman ni Aquino na mayroong dalawang PDEA agents ang umano’y kasama rin sa recycling ng iligal na droga.