Nakatakda nang bumiyahe patungong Moscow, Russia si Pangulong Rodrigo Duterte bukas, Oktubre 1 para sa 5 araw na official visit.
Makakaharap ni Pangulong Duterte sa kanyang pagbisita si Russian President Vladimir Putin kung saan inaasahang malalagdaan ang ilang mga bilateral agreements na may kaugnayan sa cooperation, kultura, pangkalusugan at pananaliksik.
Tatalakayin din ng 2 lider ang estado ng bilateral relation sa pagitan ng Pilipinas at Russia at mga paraan para mas mapalakas pa ito.
Magkakaroon din ng palitan ng mga pananaq sina Pangulong Duterte at Putin hinggil sa ilang mga usapin tulad ng regional at global developments.
Samantala inaasahan namang lilipad ng Russia ang Pangulo sa pamamagitan ng chartered flight matapos na simulan nito ang pagbiyahe sa ilang bansa sa Southeast Asia at China sa pamamagitan ng private jets noong nakaraang taon.