Bahagyang bumagal ang Bagyong ‘Onyok’ habang patuloy na kumikilos pahilagang-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Batay sa weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang Bagyong ‘Onyok’ sa layong 180 kilometro hilagang silangan ng Basco, Batanes.
Taglay nito ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 120 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong umaabot sa 150 kph.
Kumikilos ito sa bilis na 20 kph sa direksyong hilaga-kanluran.
Hindi na inaasahang tatama pa ito sa kalupaan ng bansa at posibleng lumabas na rin ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang gabi.
Gayunman, nananatiling nakataas ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 1 sa Batanes at Babuyan Islands.
Kaugnay nito, inaasahan pa rin ang kalat-kalat na mahina hanggang katamtamang lakas ng pag-ulan at thunder storms sa bahagi ng Cagayan, Apayao at Ilocos Province hanggang bukas bunsod ng ‘trough’ o buntot ng Bagyong ‘Onyok’.