Posibleng bumagal pa o mas mababa sa 1% ang inflation rate para sa buwan ng Setyembre.
Ayon sa mga ekonomista ng Bangko Sentral, inaasahang na ilang papalo sa pagitan ng .6% hanggang 1.4% ang inflation dahil na rin sa patuloy na pagbaba ng presyo ng bigas at maging sa pababang adjustment ng singil sa kuryente.
Maaari ito anilang mai-offset ng pinakahuling dagdag presyo sa oil products at mataas na presyo ng food items dahil sa masamang panahon nuong isang buwan.
Sakali mang pumalo sa .6% ang inflation sa September, ito na ang maituturing na pinakamababa sa halos 2 taon simula nang maitala ang .5% nuong February 2016 at March 2016.
Kung rumehistro naman sa 1. 4% ang inflation para sa nakalipas na buwan, ito na ang pinakamabagal sa nakalipas na 37 buwan matapos ang 1. 3% na inflation nuong August 2016.
Tiniyak ng BSP ang mahigpit na pagtutok sa economic and financial developments na nakakaapekto sa inflation environment kaalinsabay ng commitment sa matatag na presyo ng bilihin.